Home NATIONWIDE Pag-ambush sa 4 sundalo sa Lanao del Norte, kinondena ni VP Sara

Pag-ambush sa 4 sundalo sa Lanao del Norte, kinondena ni VP Sara

199
0

MANILA, Philippines – Mariing kinondena ni Vice President Sara Duterte ang pananambang ng Dawlah Islamiyah-Maute Group (DI-MG) sa Munai, Lanao del Norte noong Enero 23, na ikinasawi ng apat na miyembro ng Philippine Army.

Sa pahayag, nanawagan si Duterte sa lahat ng ahensya ng gobyerno na ipagpatuloy ang kanilang trabaho hanggang makamit ang hustisya at tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino laban sa kriminalidad, terorismo, at iba pang banta.

“Magtulungan tayo at huwag nating hayaang maghari ang mga kriminal sa ating mga komunidad. Tandaan natin na sa peace and order nakasandal ang ating kalayaan at ang kaunlaran ng ating bansa,” ani Duterte.

Ipinahayag din ng opisina ng VP ang pakikiramay sa mga pamilya ng nasawing sundalo at sa buong Armed Forces of the Philippines, at tiniyak na hindi malilimutan ang kanilang kabayanihan at sakripisyo.

“Ang kanilang kabayanihan at sakripisyo sa paglilingkod sa bayan ay hindi kailanman malilimutan. Nawa’y manatili tayong matatag at magkaisa laban sa terorismo,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here