MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Cainta Mayor Johnielle Keith “Kit” Nieto nitong Lunes, Enero 26 na siya ay sasailalim sa medical break dahil sa kondisyon sa kanyang puso.
Ayon sa opisina ni Nieto, kailangan ng alkalde ang medical break matapos makaranas ng matinding pananakit ng dibdib dahilan para maospital ito araw ng Linggo, Enero 25.
Sa isinagawang angiogram procedure ay nakita ang iba’t ibang bara sa major arteries ni Nieto at inilagay na ng mga doktor sa mahigpit na medical monitoring at paglimita sa mga galaw nito.
“Today, he, alongside his family, will decide on the options laid on which kind of medical procedure/surgery to be undertaken to address his condition,” saad sa pahayag ng opisina ng alkalde.
Samantala, itinalaga ni Nieto si Vice Mayor Ace Servillon bilang acting mayor hanggang sa ito ay makarekober at makapagpatuloy ng trabaho.
Nagbigay naman ito ng mensahe ng pag-asa sa mga residente ng Cainta at nangako na babalik kapag tuluyan nang gumaling at mapayagan ng mga doktor. RNT/JGC