Home METRO Most wanted ‘karnaper’ sa Baguio City timbog sa Bulacan

Most wanted ‘karnaper’ sa Baguio City timbog sa Bulacan

196
0

Bulacan — Huli ng mga awtoridad ang umanoy Most Wanted Person ng Baguio City sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) sa bayan ng San Miguel nitong hapon ng Enero 26.

Sa ulat ni PLTCOL Voltaire Rivera, hepe ng San Miguel police station, kinilala ang akusado na isang alyas “Boy”, 30 anyos, residente ng Brgy. MRR Queen of Peace, Baguio City.

Ayon sa ulat, bandang 2:25 ng hapon, isinilbi ng mga operatiba ng San Miguel police station, katuwang ang PS8 Baguio City police station, ang WOA sa akusado.

Nabatid na ang WOA sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 60, Baguio City, Benguet na may inirekomendang piyansa na P300,000.00.

Sinusulat ito, ang akusado ay nasa kustodiya ng istasyon sa San Miguel para sa kaukulang dokumentasyon, pagproseso, at tamang disposisyon alinsunod sa umiiral na batas.

Sinasabing ang pinaigting na kampanya ng Bulacan police sa pamumuno ni PCOL Angel Garcillano, Provincial Director, laban sa mga most wanted persons ay bahagi ng kanilang pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigang ito.
— Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here