Home METRO Kelot sugatan nang magwala sa barangay hall sa Binondo

Kelot sugatan nang magwala sa barangay hall sa Binondo

201
0
via MPD

MANILA, Philippines – Patong-patong na kaso ang kinakaharap ng isang 31-anyos na lalaki matapos magwala sa barangay Hall sa Binondo, Maynila ayon sa Manila Police District (MPD).

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, lumapit ang isang staff ng barangay sa isang roving patrol unit ng Binondo Police Station 11 upang humingi ng tulong matapos subukang pumasok ng suspek, na kinilalang si “Emeterio,” sa barangay hall ng Barangay 270.

Pagdating ng pulisya, nakita nila si Emeterio sa loob ng barangay hall na malubhang nasugatan at dumaan matapos niyang ihampas ang kanyang ulo sa glass door ng barangay hall, na nagresulta sa pagkabasag nito.

Agad siyang dinala sa ospital para sa medikal na paggamot.

Sa karagdagang imbestigasyon, natuklasang miyembro ang suspek ng kilalang Commando Criminal Gang.

Kasong alarms and scandal, resisting and disobedience, at malicious mischief ng kinakaharap ng suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here