Home NATIONWIDE P11.9M tulong ibinigay sa mga naapektuhan ng lindol sa Sultan Kudarat

P11.9M tulong ibinigay sa mga naapektuhan ng lindol sa Sultan Kudarat

219
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagpaabot ito ng tulong na mahigit Php11.9 milyong halaga ng humanitarian assistance sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa 5.7-magnitude na lindol sa mga munisipalidad ng Lebak at Kalamansig sa Sultan Kudarat.

“Patuloy ang pamamahagi ng DSWD Field Office (FO) 12 – SOCCSKSARGEN ng tulong sa mga pamilyang nasa mga evacuation centers sa Sultan Kudarat. Higit Php9 milyong halaga ng tulong ang naibigay ng DSWD sa mga apektado sa bayan ng Kalamansig, habang nasa distrito ng Lebak ay higit na Php2.9 milyon ang naibahaging humanitarian aid,” sinabi ni Asst. Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group (DRMG) ng DSWD noong Huwebes (Enero 29).

Sinabi ni Asec. Dumlao, na tagapagsalita rin ng DSWD, na ang mobile kitchen ng Department ay naka-deploy sa Datu Guiabar Pilot School sa Kalamansig upang magbigay ng mainit at masustansyang pagkain sa mga lumikas na lokal.

“Sa utos po ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinisigurado po ng DSWD na hindi magugutom ang ating mga kababayan na naapektuhan ng kalamidad. Kasama ang LGUs sa pamamahagi ng mga hot meals,” sabi ng DSWD spokesperson.

Bukod sa pagbibigay ng mga relief goods, binabantayan din ng mga tauhan ng DSWD FO 12 ang mga children- and women-friendly spaces na itinatag sa Don Modesto Buenaflor Sr. Elementary School sa Kalamansig.

Sa oras ng balita, nasa 3,576 pamilya o 13,121 katao ang kasalukuyang nananatili sa 14 na evacuation centers sa Sultan Kudarat, habang 1,057 pamilya o 3,269 indibidwal ang nagpasyang manatili sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.

Kaugnay nito, sinabi ni Dumlao sa publiko na may sapat na stockpile ang DSWD sa SOCCSKSARGEN para matugunan ang pangangailangan ng lahat ng apektadong evacuees.

“Sa kasalukuyan, mayroong higit 78,000 FFPs pa sa aming mga warehouses na nakakalat sa Region 12. Patuloy din po ang repacking at replenishment ng mga FFPs sa Visayas Disaster Response Center (VDRC) sa Mandaue City, kaya’t madali pong makakapagpadala ng FFPs sa Visayas at Mindanao kung kinakailangan,” ipinunto ng DSWD spokesperson.

— Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here