BANTAY, Ilocos Sur — Arestado ang isang 20-anyos na babae noong Miyerkules dahil sa ilegal na pagbebenta ng fully verified na GCash account, ayon sa pulisya.
Narekober mula sa suspek, isang residente ng Magsingal, ang isang Dito SIM card na may verified account, isang iPhone 12 Pro Max, at marked money.
Ayon sa awtoridad, lumalaganap ang ganitong uri ng cybercrime, at kadalasang ginagamit sa online scams, identity theft, money laundering, at iba pang ilegal na transaksyon.
Ang suspek ay nasa kustodiya ng Bantay MPS habang hinihintay ang inquest proceedings sa Office of the City Prosecutor sa Vigan City. Mary Anne Sapico