Home NATIONWIDE Bagong impeachment complaint vs VP Sara maaaring “copy-paste” sa nakaraang reklamo –...

Bagong impeachment complaint vs VP Sara maaaring “copy-paste” sa nakaraang reklamo – Ridon

204
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, maaaring isumite ang bagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte gamit ang nilalaman ng dating reklamo ng 19th Congress, na ideklara ng Supreme Court noong Enero 29 bilang unconstitutional dahil sa teknikalidad, ngunit hindi tinukoy ang substansya.

“Oo, pwede po i-file as is po ‘yan… kasi wala naman hong debate sa form, wala pong debate sa substansya,” ani Ridon.

Idinagdag niya na pareho pa rin ang mga facts mula sa nakaraang reklamo, kabilang ang paggamit ng confidential funds at death threats laban kay Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi rin ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua na hindi rin tinukoy ng SC ang substansya ng complaint, at puro teknikalidad lamang ang naging batayan sa pagdeklara nitong unconstitutional.

“Ang pinag-usapan dito ay sheer technicality,” dagdag niya.

Inanunsyo ng Makabayan bloc sa Kamara na maghahain sila ng bagong complaint kapag lumipas na ang one-year prohibition sa filing, sa Pebrero 6.

Ayon sa mga mambabatas, ang bagong reklamo ay maaaring maging katulad ng nakaraang nilalaman, habang tinitingnan kung mayroong bagong argumento o ground para sa kanyang pag-alis sa puwesto. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here