Home METRO Bangkay ng coast guard personnel, narekober sa paglubog ng ferry sa Basilan;...

Bangkay ng coast guard personnel, narekober sa paglubog ng ferry sa Basilan; bilang ng nasawi, umakyat sa 40

212
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagkakarekober ng bangkay ng personnel ng Coast Guard matapos ang paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 sa karagatan ng Baluk-Baluk Island, Basilan.

Ang mga labi ay narekober sa patuloy na search and rescue (SAR) operations ng mga ahensya ng gobyerno, mga lokal na yunit ng pamahalaan, at mga boluntaryong mangingisda ngayong Pebrero 1, 2026.

Kinilala ang narekober na Coast Guard personnel bilang si Seaman First Class (SN1) Alkhaizar Q. Hadjail PCG, gamit ang naitakdang proseso at koordinasyon sa kanyang pamilya.

Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay ang PCG sa mga naiwan niyang mahal sa buhay at tiniyak ang buong suporta sa kanila sa panahon ng pagdadalamhati.

Samantala, nilinaw ng PCG na umabot na sa 40 ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here