MANILA, Philippines – Nagsimula noong Linggo ng gabi ang pansamantalang pagsasara ng ilang bahagi ng North EDSA para sa konstruksiyon ng MRT-7, ayon sa DOTr.
Apektado ang mga lane mula Landmark–Trinoma hanggang Unified Grand Central Station para sa turnback girder launching activity.
Schedule ng Pagsasara:
–Northbound (Balintawak): Dalawang lane closed mula Feb. 1–May 8; full closure mula 10:00 pm–4:00 am, Feb. 11–Mar. 10.
–Southbound (Cubao): Dalawang lane closed Feb. 22–May 18; full closure 10:00 pm–4:00 am, Mar. 11–Mar. 23.
Ayon sa mga opisyal, kinakailangan ang lane closures upang ma-install ang tower supports na maghahawak sa steel box girders. May mga concrete barrier at anchor bolts na inilalagay para sa seguridad ng construction site.
Nagbabala rin ang MRT consultant na posibleng magsimula ang traffic buildup mula 5:00 a.m. at inirerekomenda ang alternatibong ruta para sa mga motorista.
Ipinahayag ng ilang commuter na maaapektuhan ang kanilang biyahe. Halimbawa, inaasahan ni Reggie Sangueza na tataas mula 40 minuto hanggang higit isang oras ang kanyang travel time.
Ang MRT-7 project ay nasa 83% na kumpleto at nakatakdang magsimula sa partial operations sa unang kalahati ng 2027. Kapag tapos na, ang 22-kilometro na linya na may 14 stations mula North Avenue, QC hanggang San Jose del Monte, Bulacan ay inaasahang magpapabilis ng biyahe at magpapabawas sa trapiko sa Commonwealth at ibang pangunahing kalsada. RNT/MND