Home METRO P206-K marijuana vape, nasamsam sa Cebu

P206-K marijuana vape, nasamsam sa Cebu

193
0

CEBU, Philippines – Umabot sa P206,000.00 halaga ng e-cigarettes o vape na naglalaman ng marijuana ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon, iniulat kahapon sa Consolacion.

Sa pinagsamang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 7 at Consolacion Municipal Police Station, nadakip ang suspek na si alyas Jake, 23, bandang 8:33 PM noong Huwebes, Enero 29, 2026, sa Upper Jugan, Barangay Jugan, ng nasabing lungsod.

Nasamsam ang 77 e-cigarettes o vape pens na naglalaman ng tetrahydrocannabinol (THC) at mga pinatuyong dahon ng marijuana.

Kabilang din sa mga nasamsam ang 29 pakete na pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na 324 gramo at aabot sa halagang P47,520, buy-bust money, timbangan, at cellphone.

Ayon sa pulisya matagal na nilang minamanmanan ang suspek na nakakapagbenta ng 300 hanggang 500 vapes at 500 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa loob ng isang linggo.

Sinabi pa ng pulisya na ang mga parokyano ng suspek ay mga call center agents, professionals, at mga estudyante.

Tinurn-over na sa PDEA 7 Regional Office Laboratory ang mga nakumpiskang ebidensya para sa tamang disposisyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang suspek. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here