Manila, Philippines – Sumakabilang-buhay na ang Barretto matriarch na si Mommy Inday Barretto.
On his Facebook page on January 29, Joaquin–brother of celebrity sisters Gretchen, Marjorie and Claudine–changed his profile picture with a black background and a lighted candle.
Nilakipan ito ng caption na: “Rest in peace, Mom. I love you.”
January 27 nang ibalita ni Joaquin na ililipat sa ICU o intensive care unit ang ina.
Malungkot nitong post: “Mom will be transferred to the ICU later, it’s not good.”
Matatandaang October 27 last year nang mag-post si Joaquin na mako-confine ang kanyang ina sa St. Luke’s Medical Center sa BGC Taguig.
Mula noo’y nagpopost na si Joaquin tungkol sa medical updates tungkol sa kalagayan ng ina.
Matatandaan ding sa panayam ni Ogie Diaz kay Mommy Inday last year–kung saan may mga rebelasyon ito tungkol sa manugang na si Raymart Santiago–ay nagpahayag na ito ng kahandaan kung sakaling mamaalam siya.
Ang interbyung ‘yon ay ilang linggo makaraang pumanaw ang panganay na anak nitong si Mito.
Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa Barretto family. Ronnie Carrasco III