Home HOME BANNER STORY Bonoan tiniyak na mananatili sa bansa

Bonoan tiniyak na mananatili sa bansa

207
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan na mananatili siya sa bansa habang dinidinig ang reklamo na inihain laban sa kanya.

Ito ang pagtiyak ng dating kalihim kahit pa hinihintay niya ang iskedyul ng operasyon ng kanyang asawa sa Estados Unidos.

Kasabay nito, itinanggi ng dating kalihim na may kinalaman siya sa reklamong ‘plunder’ na isinampa laban sa kanya tungkol sa maanomalyang flood control projects ng gobyerno.

Kapwa niya respondent sina Senador Jinggoy Estrada at dating DPWH Engr. Henry Alcantara at iba pa.

Sa kasong plunder na kinakaharap ni Bonoan, sinabi ng dating kalihim na pag-aaralan muna niyang mabuti dahil ito ay mabigat na kaso.

“I have to study it very well. Kasi medyo mabigat nga kung plunder yung… Kaya we have to study it very well,” pahayag ni Bonoan sa mga mamamahayag.

Ayon pa kay Bonoan, hindi pa niya nababasa ang detalye ng reklamo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here