MANILA, Philippines – Itinaas na ang Signal No. 1 sa southern portion ng Surigao del Sur dahil sa Tropical Depression Basyang.
Ayon sa PAGASA, sakop ng storm signal ang mga bayan ng Cagwait, Marihatag, San Agustin, Barobo, Tagbina, Hinatuan, City of Bislig, Lingig, at Lianga.
“Winds of 39-61 kilometers per hour may be expected in at least 36 hours or intermittent rains may be expected within 36 hours,” dagdag ng PAGASA.
Bahagyang lumakas ang bagyong Basyang habang nasa Philippine Sea at maaaring umabot sa tropical storm category ngayong araw.
Matapos ang initial landfall ay inaasahan naman itong hihina bilang tropical depression at maaari pang humina bilang low pressure area pagsapit ng Lunes, Pebrero 9.
Huling namataan ang sentro ng Tropical Depression Basyang 895 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao, at kumikilos sa direksyong west southwestward sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 70 kilometro kada oras.
“On the forecast track, the center of Basyang will make its initial landfall over the eastern Mindanao between tomorrow evening and Friday morning. Afterwards, it will traverse the landmass of northeastern Mindanao and Central and Western Visayas and emerge over Sulu Sea by Saturday morning.” ayon sa PAGASA.
Pagsapit ng Sabado ng hapon, tatawirin ng Bagyong Basyang ang northern portion ng Palawan at lalabas sa West Philippine Sea. RNT/JGC