MANILA, Philippines – Nakaligtas sa ambush si Mayor Ronnie Martizano ng Barobo, Surigao del Sur nitong Martes ng hapon, Pebrero 3.
Sakay ng van pauwi ng bahay si Martizano nang tambangan ng mga hindi pa tukoy na suspek sa Barangay Dughan.
Sa inisyal na ulat mula sa isa sa mga escort ng alkalde, hinarangan ng isang Toyota Vios ang kanilang daanan saka sila pinaulanan ng mga bala ng baril.
Nagawa pang makapagmaniobra ng van ang drayber kaya nakaligtas ang mga ito.
Ligtas ang alkalde at kasalukuyang nasa ospital.
Nangyari ang insidente isang linggo matapos na ipag-utos ng alkalde ang pagbaklas sa mga kagamitan na ginagamit sa illegal tunnel mining operations na pininiwalaang pinatatakbo ng Chinese financiers. RNT/JGC