Home METRO Top 1 MWP nalambat sa Pateros

Top 1 MWP nalambat sa Pateros

173
0

MANILA, Philippines – Arestado sa ikinasang operasyon ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pateros police ang isang suspek sa robbery na tinaguriang top 1 most wanted person (MWP) Martes ng hapon, Pebrero 3.

Sa report na isinumite ng Pateros police kay Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Randy Arceo ay nakilala ang nasakoteng suspek na si alyas Arc, 29, residente ng Barangay Sta. Ana, Pateros.

Ayon kay Arceo, ang pag-aresto kay alyas Arc ay naisakatuparan bandang alas 3:00 ng hapon sa kahabaan ng Masagana Street, Barangay Sta. Ana, Pateros, Metro Manila sa bisa ng isinilbing warrant of arrest ng mga tauhan ng WSS na inisyu noong Enero 22, 2026 ni Pasig Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Joy N. Casihan Dumlao ng Branch 262.

Kasong robbery with violence against or intimidation of person ang kinahaharap ng suspek sa ilalim ng Criminal Case No. 162427-PAT na mayroong rekomendasyon na piyans ng hukom sa halagang P100,000.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng WSS ang suspek habang naghihintay ng commitment order ng korte para sa palipat ng kanyang piitan sa Pateros Municipal jail.

Kasabay nito ay pinuri naman ni Arceo ang Pateros police sa pagkakadakip sa suspek at nagsabing patuloy nilang tutugisin ang mga may kasong indibidwal upang mapanagot ang mga ito sa kanilang ginawang pagkakasala. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here