Home NATIONWIDE Grading practices sa mga paaralan pinuna ni Angara

Grading practices sa mga paaralan pinuna ni Angara

256
0

MANILA, Philippines – MASUSING nirerepaso ngayon ng Department of Education (DepEd) ang grading practices na maaaring hindi sinasadyang makapanghikayat ng mass promotion, habang tinatrabaho ng gobyerno na ibalanse ang learning recovery na may pagsisikap na tiyakin na walang mapag-iiwanan na mag-aaral.

Sinabi ito ni Education Secretary Sonny Angara sa isang panayam sa sidelines ng 42nd National Social Action General Assembly of Caritas Philippines sa Tagaytay City, sa gitna ng talakayan sa mga natuklasan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) sa student promotion at learning outcomes.

“Bagama’t wala namang polisiya sa mass promotion, may mga hindi sinasadyang polisiya na nagkakaroon ng ganitong epekto—tulad ng parehong guro ang magtu-tutor sa bata kapag binagsak niya,” ayon kay Angara.

“Siyempre, dahil sa human nature, maaaring mag-atubili ang guro na ibagsak ang bata,” dagdag na wika nito.

Pinuna rin ni Angara ang kasanayan ng grade transmutation bilang kabilang sa mga polisiya na sumasailalim sa pagrerebisa, sinasabi na pinapayagan nito ang mga bagsak na marka na maiayos pataas.

“Tapos yung transmutation ng grades, siguro titignan namin. Sa transmutation, kapag 60 ang grado, ginagawang 75,” ang sinabi ng Kalihim.

Aniya, pagdating sa international assessments at college entrance exams ay wala naman aniyang transmutation.

“Siguro dapat maging consistent tayo sa buong education system pagdating sa grading policy,” anito.

Tinukoy din ng Kalihim ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program bilang isa sa interbensyon na naglalayong tiyakin na “no learner is left behind.”

“Dapat walang maiiwan na bata. Iyan talaga ang intensyon ng ARAL program. Yung mga nahihirapan, bibigyan ng karagdagang atensyon at tutoring,” aniya pa rin.

Ang approach aniya ay naglalarawan sa long-standing practices sa mga pribadong eskuwelahan at ngayon ay kasalukuyan ng pinalalawig para mapakinabangan ng public school learners sa buong bansa.

Sa kabilang dako, hinggil naman sa pagbabago sa curriculum, sinabi ni Angara na gumagawa na ang DepEd ng gradual reform approach.

“Hindi naman overall, kasi kapag binago mo ang curriculum, babaguhin mo lahat—mga libro, training—hindi madali iyon at puwedeng umabot ng kalahating dekada,” ang sinabi ng Kalihim.

Mas maganda aniya na na pakonti-konti ang reporma. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here