MANILA, Philippines – Sinabi ni Senator Erwin Tulfo, bagong chairman ng Senate Committee on Foreign Relations, nitong Miyerkules na hihilingin niya sa kanyang mga kasamahan sa Senado na “i-tone down” ang personal na atake laban sa mga opisyal ng Tsina, dahil maaari itong makaapekto sa kasalukuyang negosasyon para sa Code of Conduct (COC) sa South China Sea.
“Okay naman, we keep on saying that is ours (West Philippine Sea), totoo naman. We have a claim. Hindi naman pwedeng itikom ang bibig natin,” ani Tulfo.
Ayon sa kanya, kakausapin niya sina Senators Hontiveros at Pangilinan, pati na ang National Security Council, para mas maging maayos ang diskusyon.
Base sa pag-uusap niya kay DFA Secretary Theresa Lazaro, mag-aayos ang DFA ng pagpupulong nila kasama si Chinese Ambassador Jing Quan para talakayin ang karapatan ng mga Filipino fishermen.
Sinabi rin ni Lazaro na bilang ASEAN chair, sisikapin ng Pilipinas na matapos ang COC negotiations ngayong taon sa pamamagitan ng ilang personal na pagpupulong. RNT/MND