Home NATIONWIDE 2 suspek sa likod ng pagpatay sa parak sa septic tank sumuko...

2 suspek sa likod ng pagpatay sa parak sa septic tank sumuko na

198
0

MANILA, Philippines – Sumuko na ang dalawang suspek na nasa likod ng pagkamatay ng pulis na natagpuan sa loob ng septic tank sa Bulacan, ayon sa Malolos City police.

Bagamat hindi pa nagbigay ng karagdagang detalye ay sinabi ng Malolos police na nagpapatuloy ang imbestigasyon nila sa naturang kaso.

Nauna nang naaresto ang apat iba pang suspek sa pagpatay kay Police Staff Sergeant Renato Casauay.

Napag-alaman sa imbestigasyon na posibleng work-related ang motibo sa pagpatay.

Nitong Martes, Pebrero 3 ay inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang P1 milyong pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng iba pang suspek kabilang ang gunman. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here