Home HOME BANNER STORY Tangkang Senate coup d’état napigilan

Tangkang Senate coup d’état napigilan

206
0

MANILA, Philippines – Naiwasan ni Senate President Vicente Sotto III ang umano’y pagtatangka na patalsikin siya sa Senate presidency.

Sa ambush interview, kinumpirma ni Sotto na naharang niya at kanyang mga kaalyado ang tangkang coup d’état.

“It’s the majority,” sinabi ni Sotto na tumutukoy sa mga humarang sa coup attempt.

Hindi na ibinigay ang karagdagang detalye kung paano napahupa ng mayorya ang sitwasyon at naiwasan ang hakbang na patalsikin siya sa pwesto.

Nang tanungin kung ano ang bumago sa isip ng mga nagtangka, tugon ni Sotto: “I do not know. Ask them.”

Sa mga naunang report ay naging maugong ang pangalan ni Senador Loren Legarda na papalit kay Sotto.

Bago ang adjournment ng kapulungan sa plenary session nitong Miyerkules, si Legada ay umupo sa pwesto ni Sotto at nanguna sa sesyon.

Bago mag-adjourn ay sesyon ay tinawag ni Senador Miguel Zubiri si Legarda bilang ‘Madame President.’

Samantala, sa hiwalay na pahayag kung bakit tinawag ni Zubiri si Legarda bilang “Madame President,” tugon nito ay: “Because she may be the future President of the Senate. We’ll see.”

At nang tanungin kung napigilan ng majority bloc ang tangkang pagpapalit ng liderato sa Senado, sinabi ni Zubiri na, “We’re one big happy family.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here