Home NATIONWIDE Paglipat ng venue sa kaso ni Atong Ang, hiniling ng DOJ

Paglipat ng venue sa kaso ni Atong Ang, hiniling ng DOJ

221
0

MANILA, Philippines – Humiling ang Department of Justice (DOJ) sa Korte Suprema (SC) na pagsamahin at ilipat ang venue ng mga kasong kriminal na isinampa kaugnay ng mga nawawalang sabungero.

Sa isang press briefing noong Biyernes, Pebrero 6, sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony D. Fadullon na hiniling na ng DOJ sa Korte Suprema sa pamamagitan ng Office of the Court Administrator na pagsamahin ang mga kasong ito at ilipat ang venue.

Hindi naman binanggit ni Fadullon kung saan nais ng DOJ na ilipat ang mga kaso para litisin.

Noong Disyembre, nagsampa ang DOJ ng mga kasong kriminal laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at ilan pang mga akusado sa mga regional trial courts (RTCs) sa Lipa City, Batangas, at San Pablo City at Sta. Cruz, Laguna.

Kinasuhan si Ang at mga kasamahan niya ng 10 counts ng kidnapping with homicide at 16 counts ng kidnapping with serious illegal detention. Naglabas na ng arrest warrants ang RTCs sa Lipa City at Sta. Cruz, ngunit ang San Pablo City RTC ay hindi pa naglalabas ng arrest order at nagpasiyang aksyunan muna ang motions for determination of probable cause.

Ayon kay Fadullon, susunod ang mga piskal ng DOJ at muling magsusumite ng lahat ng ebidensya at counter-affidavits ng mga akusado.

Hindi pa sumusuko o naaresto si Ang, ngunit karamihan sa mga kasamahan niyang akusado ay sumuko na o naaresto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here