Home NATIONWIDE DOJ tututok sa desisyon ng korte laban kay Teves

DOJ tututok sa desisyon ng korte laban kay Teves

156
0

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon ng isang korte sa Maynila na nag-acquit kay dating Rep. Arnolfo Teves Jr. at dalawa pang iba sa kasong pagpatay noong 2019 na kinasasangkutan ng isang board member ng Negros Oriental.

Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon sa isang press briefing noong Biyernes, Pebrero 6, base sa desisyon ng husgado, iisa lang ang testigo na tumayo laban sa dating mambabatas na sinasabing siya ang mastermind sa pagpatay pero hindi ito kinatawan ng Korte dahil sinabi nilang hindi ito sapat.

Dagdag niya, nagsusumikap ang DOJ para tingnan kung may motion for reconsideration na maaring i-file o kung maghahain pa ng isa, pero tiyak aniyang kukuwestyunin nila ang desisyon.

Noong nakaraang buwan, in-acquit ng Manila Regional Trial Court Branch 15 sina Teves, Richard Cuadra, at Rolando Pinili dahil sa “kakulangan ng prosecution na magpatibay ng prima facie case.”

Samantala, si Teves ay humaharap sa hiwalay na mga kaso ng pagpatay kaugnay ng 2023 na pag-atake na ikinamatay ni dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here