Home ENTERTAINMENT Pagpanaw ni Eddie, fake news!

Pagpanaw ni Eddie, fake news!

304
0

Manila, Philippines – Don’t get deceived–malinaw na fake news ang kumakalat na balitang pumanaw na si Eddie Gutierrez.

Naglipana kasi ang walang katotohanang tsika sa social media–bagay na pinasinungalingan mismo ng Gutierrez family sa pamamagitan ng Facebook.

Nito lang, mismong si Ruffa Gutierrez ang nagbahagi ng “pre-birthday message” ng ama sa publiko.

Saad nito: “Ako po si Eddie Gutierrez. Mayroon kasing kumakalat na fake news. Alam n’yo, usung-uso ngayon ang fake news–na ako’y sumakabilang-buhay na.”

Dugtong ng beteranong aktor: “Hindi po totoo ‘yon, buhay na buhay po ako. I’m still alive and kicking! Hindi pa ako namamatay.

“Binigyan pa ako ng Panginoon ng mga ilang taon.”

84 gulang na ang kung tawagi’y Tito Eddie.

Nagpapasalamat pa nga siya sa kanyang asawang si Annabelle Rama na aniya’y “kung hindi dahil sa kanya, baka maging totoo ang tsismis na ‘yan.”

Tito Eddie also thanked his children and grandkids na kasama niya sa bahay.

Nakiusap ang aktor na huwag mag-alala ang kanyang mga tagasuporta dahil buhay pa siya.

The veteran actor recently underwent surgery in Singapore. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here