Home NATIONWIDE Shear line, Amihan magpapaulan sa Luzon

Shear line, Amihan magpapaulan sa Luzon

185
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang shear line at Northeast Monsoon o Amihan sa ilang bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, ang MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Aurora, Rizal, Laguna, Quezon, Northern Samar, at Eastern Samar ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorm.

Magdadala naman ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Nueva Ecija, Bulacan, at nalalabing bahagi ng CALABARZON dahil sa Amihan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa kaparehong weather system.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here