Home NATIONWIDE 4 na wanted sa iba’t ibang krimen kalaboso sa Bataan

4 na wanted sa iba’t ibang krimen kalaboso sa Bataan

217
0

BATAAN- Arestado ang apat na Wanted Person na sangkot sa iba’t-ibang kaso ng krimen matapos makorner ang mga ito sa serye ng ikinasang manhunt operation ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa Bataan.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., ang mga suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng korte sa bayan ng Morong, Hermosa, Balanga City at Mariveles, Bataan.

Natunton ng mga at nadakip ang mga suspek na mga akusado sa kasong Robbery, Illegal Drugs, Child abuse Law at iba pang kaso ng krimen.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong wanted person para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here