Home METRO Agila nasagip matapos bumangga sa puno sa Baler

Agila nasagip matapos bumangga sa puno sa Baler

168
0

AURORA, Philippines – Isang Philippine hawk-eagle (Nisaetus philippensis) ang nasagip matapos bumangga sa puno habang humuhuli ng pagkain noong Sabado.

Natagpuan ni Cesar Santiago, isang magsasaka, ang nanghihingang agila sa palayan sa Barangay Suklayin. Ani Santiago, tila tumama ang ulo ng ibon sa puno habang mabilis itong bumabagsak, kaya ito’y humina at nahuli niya gamit ang kamay.

Dinala ni Santiago ang agila sa kanyang bahay at ikinulong bago agad i-report ang insidente sa Baler Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

Ipinasa ang agila sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa tamang pangangalaga. Ayon sa DENR, dadalhin ang ibon sa veterinary facility sa Lunes para masuri. Kapag ligtas at malakas na ito, ibabalik sa kagubatan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here