Home METRO Sekyu tigok sa sumemplang na motorsiklo

Sekyu tigok sa sumemplang na motorsiklo

169
0

ILOCOS NORTE, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng isang 28-anyos na lalaki matapos na sumemplang ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Saud, Pagudpud ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay isang security guard, residente ng Ilocos Norte.

Minamaneho ng biktima ang kulay black na Yamaha Sniper 155 motorcycle at bumibiyahe papuntang silangan sa provincial road sa naturang lugar nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan.

Dahil dito sumemplang ang motorsiklo at dumausdos pa ng halos 20 metro.

Resulta nito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktima.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktorRolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here