Home NATIONWIDE Pag-aayuno, isang espiritwal na disiplina – Apostolic Nuncio

Pag-aayuno, isang espiritwal na disiplina – Apostolic Nuncio

161
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Apostolic Nuncio Archbishop Charles Brown na ang pag-aayuno ay isang espirituwal na disiplina na nagbubukas ng puso ng mananampalataya para sa mas masidhing panalangin at pagtanggap ng biyaya ng Eukaristiya.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown BSA kanyang naging Pastoral Visit on the Air sa Radyo Veritas kaugnay sa papalapit na Ash Wednesday sa Pebrero 18, 2026 na hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Ipinaliwanag ng Papal Nuncio na ang pag-aayuno ay hindi lamang pisikal na pag-iwas sa pagkain, kundi paghahanda ng sarili para sa mas malalim na espirituwal na buhay na nagmumula sa Diyos.

Ayon pa kay Archbishop Brown, ang pag-aayuno ay isang paraan ng paghahanda, hindi lamang ng isip kundi pati ng pisikal na katawan upang tangagpin ang pambihirang buhay na nagmumula sa Diyos.

Samantala, mariing nilinaw ng Diocese of Baguio na hindi pinapayagan ang pagdiriwang ng Sakramento ng Kasal sa Mountain Chapel sa Itogon, Benguet.

Ayon kay Bishop Rafael Cruz, ang kasal ay dapat isagawa lamang sa mga konsagradong simbahan o kapilya. Pinayuhan ang mga mananampalataya na gamitin ang Mountain Chapel bilang reception venue sa halip. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here