Todo ang paghahanda ni Pinoy pole vault star EJ Obiena sa dalawa pang malalaking torneo na lalahukan nito ngayong buwan.
Ito ay matapos na magkamit siya ng bronze medal sa INIT Indoor Meeting Karlsruhe sa Germany nitong Lunes ng umaga.
Nagawa ni Obiena ang tagumpay ilang araw lamang ang pagitan matapos nitong masungkit ang gintong medalya sa Asian Indoor na ginanap sa China.
Ayon kay Obiena, muntik na umanong hindi matuloy ang paglahok niya sa Germany dahil sa problema sa scheduling at pagbiyahe.
Pero, ibinida nitong dahil sa tulong ng Embahada Pilipinas, na naresolba nito ang ilang usapin kaya nakapaglaro ito sa kumpetisyon sa Germany.
Sa ngayon ay mag-re-regroup muna sila ng kaniyang coach para tignan ang lagay ng katawan dahil sa naging matinding biyahe para sa dalawang torneo.JC






