AMINADO ang Creamline na dumaraan sila ngayon sa adjustment period matapos ang pagbabalik ng ilang pangunahing manlalaro sa PVL All-Filipino Conference.
Kabilang sa mga nagbalik sina Jia de Guzman, Bernadeth Pons, at Jema Galanza, dahilan upang muling buuin ng koponan ang kanilang dating samahan at sistema sa loob ng court.
Bagama’t hindi matatawaran ang talento ng bawat isa, sinabi ng koponan na mahalagang mahasa muli ang komunikasyon at galawan bilang isang unit.
Ayon kay de Guzman, malaking bahagi ng kanilang kasalukuyang training ang pagpapalakas ng court awareness at pagtutulungan sa bawat rotation.
Nakita ang epekto ng adjustment nang matalo sila sa unang laro kontra PLDT ngunit agad namang nakabawi sa sumunod na panalo laban sa Choco Mucho.
Para sa Creamline, maaga pa sa kumperensya at nananatiling bukas ang panahon upang maibalik ang dating tikas ng isang multi-time champion team.GP