Home NATIONWIDE Panukalang pagdedeklara ng Jesus Worship Day at Lady of Guadalupe Day, lusot...

Panukalang pagdedeklara ng Jesus Worship Day at Lady of Guadalupe Day, lusot na sa Kamara; Abril, itinalagang Veterans Month

187
0

MANILA, Philippines – Lusot na sa huli at ikatlong pagbasa sa House of Representatives ang dalawang panukalang batas na magtatakda ng pagdiriwang para sa Jesus Reigns National Day of Worship at Feast of Our Lady of Guadalupe Day.

Ayon kay House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, na siyang nanguna sa pagpasa ng House Bill 7368, ang panukala ay naglalayong magkaroon ng nakalaang isang araw para magpakita ng debosyon kay Hesus.

Nasa 90% ng mga Pilipino ang Christians at Catholics.

Ito ay inakda nina Sarangani Rep. Steven Chiongbian Solon at Rizal Rep. Emigdio Tanjuatco. Sa ilalim ng panukala, nais na ideklara ang Nobyembre 30 ng bawat taon bilang Jesus Reigns National Day of Worship.

Samantala, ang HB No. 7303 ay nagsusulong na ideklara ang Disyembre 12 ng bawat taon bilang Feast of Our Lady of Guadalupe Day, na kilalang patron saint ng mga unborn children.

Inaprubahan din sa huling pagbasa ang House Bill 7301, o ang pagdedeklara sa buwan ng Abril bilang Philippine Veterans Month.

Sinabi ni Marcos na ang pagpasa sa panukala ay alinsunod sa mandato ng Konstitusyon na dapat kilalanin ang mga beteranong Pilipino sa kanilang sakripisyo at katapangan na nagpalaya sa bansa.

“During this whole month of celebration, let us conduct programs and activities in recognition of our veterans. More importantly, let us provide the benefits and services due them,” pahayag ni Marcos.

Sa oras na maisabatas, bibigyang mandato ang Philippine Veterans Affairs Office, Department of National Defense, Department of the Interior and Local Government, Department of Health, at Department of Education na manguna sa pagsasagawa ng aktibidad para sa Philippine Veterans Month.

Ang Philippine Veterans Affairs Office at Department of National Defense ang siyang inatasan na bumalangkas ng implementing rules and regulations. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here