Home HOME BANNER STORY Pagbawi ng NPA sa mass base sa NegOr, napigilan ng PH Army

Pagbawi ng NPA sa mass base sa NegOr, napigilan ng PH Army

187
0

NEGROS ORIENTAL, Philippines – Ayon sa Philippine Army, nabigo ang tangkang pagbawi ng mass bases ng New People’s Army (NPA) sa Negros Oriental matapos ang serye ng engkwentro noong nakaraang weekend.

Sinabi ni Brig. Gen. Jason Jumawan, commander ng 302nd Infantry Brigade sa Tanjay City, na bago ang engkwentro, may maliit na grupo ng armadong lalaki na nakita sa mga liblib na barangay.

“Ito rin ang grupong nakipagbanggaan sa 11th Infantry Battalion sa Sitio Canggabi, Barangay Sto. Niño,” dagdag niya.

Sa apat na engkwentro mula 5:30 a.m. noong Linggo, isang sundalo ang nasawi at isa ang sugatan.

Kinilala ni Lt. Col. Sol Zaulda ang nasawi bilang Cpl. Renold S. Gardose, 29, at ang sugatan bilang PFC Janes Tyrone Lozano, 28.

Nakita sa clearing operations ang improvised shelter ng NPA, pati ang dalawang hand grenade, magazines, subversive documents at personal na gamit.

Ayon sa mga residente, may mga armadong indibidwal na nanghingi ng suporta at nag-anyaya sa kanila na magtipon tuwing gabi.

Pagkatapos ng dismantling ng South East Front sa south Negros Oriental, ayon kay Jumawan, apat na lang ang natitirang miyembro ng KR-NCBS, habang ang iba ay mula sa South Western Front sa central Negros.

Sinabi niya na patuloy ang Army sa tactical offensives para hindi makabawi ang mga rebeldeng ito.

“As instructed by Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro, we will be holding both the ISO (internal security operations) and the territorial defense operations,” diin ni Jumawan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here