Home NATIONWIDE Sindikato, posibleng nasa likod ng ilegal na pagawaan ng yosi sa Pampanga...

Sindikato, posibleng nasa likod ng ilegal na pagawaan ng yosi sa Pampanga – SILG Remulla

219
0

PAMPANGA, Philippines – Iniimbestigahan ng awtoridad ang posibleng sindikato sa likod ng ilegal na cigarette manufacturing sa Pampanga matapos ma-diskubre ang tatlong bakanteng pabrika, kasunod ng naunang raid.

Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na sa isang warehouse sa San Fernando City, nakumpiska ang P400 milyon halaga ng unregistered na sigarilyo at manufacturing machines.

Ayon sa kanya, may pattern sa apat na pasilidad: pareho ang brand ng sigarilyo, sabay-sabay nagsara, pinatatakbo ng mga Chinese nationals, at may parehong legal counsel.

Inihayag din ni Remulla na dalawang kongresista mula Central Luzon ay itinuturing na persons of interest, ngunit walang formal na kaso pa.

Umabot sa tinatayang P30 bilyon na nawalan ng buwis ang gobyerno noong 2025 dahil sa ilegal na cigarette operations.

Ayon kay PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr., isinagawa ang operasyon sa buong bansa, mula manufacturing hanggang retail, at kadalasan ipinamamahagi ang ilegal na sigarilyo sa sari-sari stores.

Nakita sa warehouse ang raw tobacco leaves at shredding at drying machines, pero walang permit mula sa National Tobacco Administration (NTA).

Sinabi ni Remulla, “So, mula cutting, drying, manufacturing, packing at retail, nabuwag na natin ang sindikato dito sa Pampanga pa lang.”

Dagdag pa niya, patuloy ang imbestigasyon sa posibleng operasyon sa Visayas at Mindanao, at ang crackdown sa ilegal na tobacco ay bahagi lamang ng mas malawak na kampanya laban sa organized crime. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here