MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pag-aalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pahayag ng Chinese Embassy na maaaring mawalan ng milyon-milyong trabaho ang mga Pilipino dahil sa tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon sa DFA, mahalaga ang kooperasyon sa lahat ng larangan ngunit hindi dapat gamitin bilang panakot o leverage.
Hinimok nila ang embahada na gumamit ng maingat at responsable na tono sa publiko at igiit ang patuloy na diplomasya upang mapanatili ang maayos na ugnayan sa kabila ng mga pagkakaiba.
Sinabi rin ng MalacaƱang na ang healthy dialogue at mutual respect ay dapat galing sa parehong bansa, at wala pang plano na palitan ang Chinese ambassador, ayon sa pahayag ni Pangulong Marcos. RNT/MND