NUEVA ECIJA — Nasakote ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na nag-iingat umano ng iba’t ibang kalibre ng baril, bala, at pampasabog sa ikinasang serye ng operasyon ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Nueva Ecija.
Sa bisa ng search warrant mula sa korte, pinasok at hinalughog ng mga awtoridad ang mga tinutuluyan ng mga suspek sa mga nabanggit na lugar.
Nakumpiska sa mga suspek ang kabuuang bilang ng mga iligal na armas gaya ng isang caliber .45 pistol; caliber 9mm Norinco pistol; caliber .22 revolver; caliber .30 rifle; at converted caliber .22 rifle. Kabilang pa sa mga nakumpiska ang tatlong explosive ordnance; dalawang rifle grenade ammunition; at isang granada.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong suspek na kapwa haharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Republic Act No. 9516 o Illegal Possession of Explosives and Ordnance Act. Roel Tarayao