Home NATIONWIDE 1.6M benepisyaryo nakinabang na sa zero balance bill – DOH

1.6M benepisyaryo nakinabang na sa zero balance bill – DOH

176
0

MANILA, Philippines – Nasa 1.6 milyong pasyente na ang nakinabang sa Zero Balance Billing program ng administrasyong Marcos, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Sabado, Pebrero 21.

Sa pinakahuling datos ng ahensya, nasa P95 bilyong halaga ng hospital bills ang sinagot ng pamahalaan mula Hulyo 2025 hanggang Enero 2026.

Sa pahayag, sinabi ng DOH na patuloy nitong isusulong ang pagpapalawak pa sa programa kabilang ang shared pay ward para sa PhilHealth direct contributors, katulad ng middle-class employees.

“Sa pagpapalakas ng Zero Balance Billing, iniutos din ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na kailangang mas maramdaman pa ng middle-class workers ang benepisyo ng gobyerno.”

“Sa kasalukuyan, ang mga shared pay ward ay hindi pa kasama sa Zero Balance Billing,” sinabi ng DOH.

Inihahanda rin ng ahensya na ipatupad ang inisyatiba sa piling local governemnt unit hospitals.

Sa ilalim ng Zero Balance Billing, ang mga pasyente sa DOH hospitals ay hindi na kailangang magbayad para sa medical services, gamot, at professional fees ng mga doktor. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here