MANILA, Philippines – Tatlong luxury vehicles na pag-aari ng contractor couple na sina Sarah at Pacifico Discaya ang nabenta sa public auction ng Bureau of Customs (BOC) noong Miyerkules, na nagdala ng kabuuang kita na P25.7 milyon.
Ilan sa nabentang sasakyan:
–2024 Lincoln Navigator – P6,950,000 (benta sa Cantinetta Espresso Concepts)
–2022 Cadillac Escalade ESV – P6,623,000 (benta sa Igorot Stone Kingdom sa Baguio City)
Sa kabuuan, nakolekta ng BOC ang P25,771,374.15 kasama ang registration fees, at ipapasa sa Bureau of Treasury para pondohan ang mga proyekto ng gobyerno.
Hindi naibenta ang iba pang luxury cars ng Discayas kabilang ang Ferrari SF90 Stradale, Rolls Royce Phantom, Mercedes-Benz G650, BMW XM, at iba pa. RNT/MND