MANILA, Philippines – Nagwagi ang Paramount Skydance sa bidding para sa Warner Bros Discovery matapos na tumanggi ang Netflix na itaas ang alok nito, ayon sa ulat ng Reuters.
“We’ve always been disciplined, and at the price required to match Paramount Skydance’s latest offer, the deal is no longer financially attractive, so we are declining to match the Paramount Skydance bid,” pahayag ng Netflix sa isang statement, at kinumpirma nitong umatras na ito sa negosasyon.
Nakabinbin ang desisyon ng board ng Warner Bros Discovery na tapusin ang kasunduan sa Netflix at pormal na tanggapin ang binagong alok ng Paramount Skydance. Nauna nang sinabi ng Warner na mas mataas ang $31 kada share na alok ng Paramount kumpara sa $27.75 kada share na alok ng Netflix para sa streaming at studio assets nito.
“Once our board votes to adopt the Paramount merger agreement, it will create tremendous value for our shareholders,” ani Warner CEO David Zaslav. “We are excited about the potential of a combined Paramount Skydance and Warner Bros Discovery and can’t wait to get started working together telling the stories that move the world.”
Ayon sa isang adviser ng Netflix na tumangging magpakilala, umatras ang kumpanya dahil hindi na makatuwiran sa ekonomiya ang transaksyon, lalo’t nakikipagbid ito laban sa bilyonaryong si Larry Ellison, ama ng Paramount CEO na si David Ellison.
Tumaas ng mahigit 10 porsiyento ang shares ng Netflix matapos ang anunsyo.
Kapag natuloy ang merger, pagsasamahin nito ang dalawang malaking Hollywood studio, streaming platforms na HBO Max at Paramount+, at news operations na CNN at CBS. Gayunman, inaasahang haharap ito sa masusing pagsusuri ng mga regulator sa Estados Unidos at iba pang bansa.
Sinabi ni California Attorney General Rob Bonta na hindi pa tapos ang usapin. “These two Hollywood titans have not cleared regulatory scrutiny — the California Department of Justice has an open investigation, and we intend to be vigorous in our review,” aniya.
Itinaas ng Paramount ang termination fee nito sa $7 bilyon at pumayag na sagutin ang $2.8 bilyon na dapat bayaran ng Warner sa Netflix sa pagwawakas ng kanilang kasunduan. Naglaan naman ang Ellison Trust ng $45.7 bilyon na equity, habang magbibigay ng $57.5 bilyon na debt financing ang Bank of America Merrill Lynch, Citi at Apollo.
Malugod namang tinanggap ng activist investor na Ancora Holdings ang kinalabasan, at sinabing, “Netflix’s decision to not raise its offer of $27.75, less likely net debt adjustments, has paved the way for shareholders to receive meaningfully more cash and a truly viable path to government approvals.” RNT