Manila, Philippines – “Wala kaming tinatapakan na tao and single kami pareho. Lahat naman ng tao, may karapatan maging masaya.”
‘Yan ang pahayag ng multi-awarded actress na si Aiko Melendez sa ginanap na chikahan with her and Onemig Bondoc kasama ang kanyang mga kaibigan sa media kamakailan lang.
Sa panayam ay natanong si Aiko ni yours truly kung ano ang sikreto niya at bakit mukha siyang bata up to now?
Sey ni Aiko, “One of the reasons kung bakit siguro mukha akong bata is because I’m happy and contented and siguro sa dasal na rin sa Panginoon na wala ng stress sa ngayon.”
Sa panayam ay masayang ikinuwento ni Aiko na naging magkaibigan muna sila ng aktor na si Onemig bago sila naging magkasintahan.
Kuwento ni Aiko, “Yung connection namin, iba talaga, barkada, yung walang-hiyaan, ‘yung very comfortable kami kasi nga barkada kami.
“We started as friends at alam ko lahat ang sikreto niya, ‘yung pang babae niya dati, alam ko lahat, gusto n’yo ba sabihin ko lahat sa inyo?” pabirong sabi ni Councilor Aiko.
Dagdag pa ni Councilor Aiko, “Alam ko lahat from anong bracket, pati sa seksi star. Basta alam ko lahat.
“You know, ang pinaka-maganda sa amin is we are very open about the past, and we are, you know, willing to accept each other’s past and flaws.
“I mean no one is perfect, people are expecting na para bang ano ba yan, ang dami dami na ninyong pinagdaanan pareho tapos ganyan-ganyan.
“At the end of the day, what matter is we are both happy.”
Sa panayam ay natanong si Councilor Aiko kung ano ang masasabi niya tungkol sa mga basher na nagsasabing nag-gagamitan lang sila ni Onemig.
Sey ni Aiko, “Wala kaming gagamitin sa isa’t-isa dahil unang-una si Onemig is not making a showbiz comeback.
“Pangalawa, ba’t n’ya ko gagamitin, saang part? Wala, wala akong makita… ako saan ko naman siya gagamitin? Sa kaligayahan ko gagamitin ko s’ya,” pabirong sabi ng magandang aktres habang nakangiti.
Samantala, sa social media post ni Aiko ay nagpahayag siya ng pasasalamat sa mga kaibigan niya sa media at sa manager niya.
Sey ni Aiko, “Beautiful get-together with my most trusted friends in the media, thank you for the constant love, support, and friendship. Hindi niyo ako iniiwan, sa tahimik man o maingay na panahon.
“Together with uno_111, we would like to thank each and every one of you for being there with us tonight. Your presence meant so much.”
In fairness, gwapo pa ri si Onemig.
Naalala tuloy ni yours truly ‘yung 1st time kong nakita si Onemig sa Subic noong December 1994 at tinanong ko siya kung gusto niyang mag-artista.
Ang sagot ni Onemig noon ay may nakakuha na daw sa kanya bilang artista.
Niwey, happy for both of you Aiko and Onemig. Just always love each other, boom, ganerrn. Mercy Lejarde