Home HOME BANNER STORY SoKor president Lee Jae Myung dumating na sa Pilipinas

SoKor president Lee Jae Myung dumating na sa Pilipinas

173
0
South Korean President Lee Jae Myung accompanied by his wife Kim Hea Kyung disembark from their presidential plane upon arriving at a military airbase in Manila on March 3, 2026. (Photo by TED ALJIBE / AFP)

MANILA, Philippines – Dumating na sa Pilipinas si South Korean President Lee Jae Myung at First Lady Kim Hea Kyung nitong Martes ng hapon, Marso 3 kasunod ng imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Mananatili sa bansa ang pangulo ng South Korea at first lady para sa dalawang araw na state visit hanggang Marso 4.

Nauna nang sinabi ng Malakanyang na inaasahang sasalubungin ni Marcos at First Lady Louise Araneta-Marcos sina Lee at South Korean First Lady Lim Hea Kyung sa Palasyo.

Ang pagbisita ni Lee sa bansa ay tumapat sa ika-77 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at South Korea noong Marso 1949.

Pag-uusapan ng dalawang lider ang kanilang mga paninging sa regional at international issues at palakasin pa ang ugnayan ng Manila at Seoul.

Inimbitahan ni Marcos si Lee noong nakaraang taon para bumisita sa Pilipinas at sinasabing oportunidad ito “to promote a rules-based order, a more secure and more prosperous region.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here