Home METRO Bosero sa Maynila, kalaboso

Bosero sa Maynila, kalaboso

175
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos mahuling kumukuha ng video sa isang babaeng naliligo sa Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat ng Sta. Ana Police Station 6, kinilala ang suspek na si Marvin Navarro, alyas “Chaka,” 30 anyos at residente ng Sta. Ana.

Napag-alaman na matapos maligo ng biktima at habang inaabot ang kanyang damit ay napansin niya ang cellphone sa kisame ng kanilang palikuran.

Agad itong sumigaw habang napatalon naman pababa ang suspek, na agad naharang at napigilan ng ama ng biktima na makatakas.

Sa barangay hall nagharap ang dalawa at sinuri ang cellphone ng suspek. Nakita sa “recently deleted” folder ang video na nakuhanan ang biktima habang nagbibihis.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 laban sa suspek na nakatakdang iharap sa Manila Prosecutor’s Office. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here