Home HOME BANNER STORY 442 Pinoy mula UAE, nakauwi na!

442 Pinoy mula UAE, nakauwi na!

144
0
via DMW

MANILA, Philippines – Dumating sa Ninoy Aquino International Airport nitong Sabado ng tanghali ang unang government-chartered flight na naghatid ng mga Pilipinong inilikas mula sa Gitnang Silangan.

Mula sa Fujairah sa United Arab Emirates ang eroplano na may sakay na 442 pasahero, kabilang ang mga OFW, kanilang mga dependents, at ilang stranded na turista.

Ayon kay OFW na si Romel Maninang, umasa na lamang sila sa panalangin habang naghihintay ng solusyon sa kanilang sitwasyon sa Dubai.

“Dumating kami sa point na panalangin na lang talaga yung ano namin. Sabi namin sa panalangin namin, sana gumamit ng kasangkapan para yung sitwasyon sa Dubai ay magkaroon ng kalunasan,” ani Maninang.

Sinabi niya na nakipag-ugnayan siya sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang makauwi matapos paulit-ulit na ma-reschedule ang kanilang flight. Ayon sa kanya, agad naman siyang natulungan ng mga awtoridad ng gobyerno.

Ipinaliwanag ni OWWA administrator Patricia Yvonne Caunan na matagal nang inihanda ang unang government-sponsored chartered flight.

“This is the first government-sponsored chartered flight, at ito ay matagal na nilatag. From the very start, ang focus talaga is to be able to organize commercial and chartered flights,” aniya.

Kasama rin sa repatriation flight si Hans Leo Cacdac.

Pagdating sa bansa, sumailalim ang mga OFW sa psychosocial interventions upang masuri ang kanilang mental health matapos malantad sa mga sitwasyon ng kaguluhan.

Ayon kay Cacdac, patuloy pang naghahanap ang pamahalaan ng mga paraan upang maiuwi ang iba pang Pilipinong nais umuwi sa bansa.

“We’re looking dun sa mga closed airspaces, we’re looking land crossings, all land crossings have been identified, all logistical support and routes and meeting points per host country have been identified,” aniya.

Inaasahan ding darating sa Linggo ng umaga ang isa pang chartered flight mula sa Riyadh sa Saudi Arabia, habang pinaplano na rin ang ikatlong repatriation flight. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here