Home HOME BANNER STORY Panukalang pagsuspinde sa biofuel blending pasado na sa Kamara

Panukalang pagsuspinde sa biofuel blending pasado na sa Kamara

137
0

MANILA, Philippines – Sa botong 209 na pabor at 5 na tutol, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 8469 o Oil Price Stabilization Act na aamiyenda sa Biofuels Act of 2006 na magbibigay kapangyarihan kay Pangulong Bongbong Marcos na suspindehin pansamantala ang paggamit ng biofuel blending habang mataas pa ang presyo ng langis sa world market.

Ang panukala ay sinertipikahang urgent ni Pangulong Marcos kaya agad itong naipasa sa Kamara.

Sa ilalim nito ay maaaring pansamantalang isuspinde ang mandatory biofuel blending kung mas mataas ng hindi bababa sa 5% ang presyo ng blended fuel kumpara sa pure fuel.

Ayon kay House Committee on Energy Chairman at Palawan Rep Jose Alvarez ang panukala ay hindi pag-abandona sa pagpapalakas sa indigenous renewable energy development bagkus ito ay magsisilbing dagdag tulong sa mga drivers, mga magsasaka at mangingisda na apektado ng mataas na presyo ng petroleum products dala ng tensyon sa Middle East.

Sinabi ni Alvarez na ang panukala ay aksyon ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis.

“When global crude prices increase, the cost of transporting our palay, vegetables and basic commodities across the country also increases, threatening our economic recovery. nWe know that every peso saved at the gas station is a peso that stays in their pocket for food and education,” pagtatapos pa ni Alvarez. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here