Home NATIONWIDE Pagkakaantala ng infra funds, itinanggi ng DBM; GAA rules sa pagpapalabas, tinukoy

Pagkakaantala ng infra funds, itinanggi ng DBM; GAA rules sa pagpapalabas, tinukoy

105
0

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Department of Budget and Management (DBM) ang alegasyon na naaantala ang pagpapalabas ng pondo para sa public works projects.

Sinabi ng DBM sa isang kalatas na malabong mangyari ang nasabing alegasyon dahil mahigpit nitong sinusunod ang probisyon ng 2026 General Appropriations Act (GAA) at kaugnay na pamamaraan.

Ayon pa rin sa departamento, hindi nito pinipigilan ang pagpapalabas ng pondo at may proseso para rito alinsunod sa batas na ipinasa ng Kongreso na aprubado naman ng Pangulo.

“First, the DBM does not arbitrarily delay the release of funds, nor does it create policies outside the law. All budget releases are governed strictly by the 2026 General Appropriations Act (GAA)—a law passed by Congress itself and approved by the President,” ang sinabi ng DBM.

Nagpalabas ng paglilinaw ang DBM kasunod ng pahayag mula sa ilang mambabatas na nagsasabing naaantala ang pagpopondo para sa locally funded infrastructure projects sa ilalim ng Department of Public Works and Highways.

Ayon sa DBM, may ilang proyekto ang binago sa panahon ng legislative process sa pamamagitan ng Congress Introduced Changes and Adjustments, binago ang project descriptions, station limits, o geographic coordinates kumpara sa orihinal na panukala sa National Expenditure Program na isinumite ng Executive branch.

Dahil sa mga pagsusog o pagbabago, ang mga proyekto ay nangangailangan ng karagdagang pagpapatunay at clearance bago pa ilabas ang pondo.

“As provided in the President’s Veto Message for the FY 2026 GAA, such Congress Introduced Changes and Adjustments (CICA) require additional validation and clearance from the Office of the President prior to the release of funds,” ang sinabi ng DBM.

Ang mga proyekto na mayroong mga kaunting pagbabago ay inilagay sa ilalim ng For Issuance of Special Allotment Release Order (FISARO), ibg sabihin, ang mga implementing agencies ay dapat na magsumite ng kinakailangang documentation at prioritization requests bago pa magpalabas ang DBM ng Special Allotment Release Order (SARO).

Nilinaw din ng DBM na hindi na kailangan na i-bid ang proyekto bago pa pagpasyahan ang pagpapalabas ng pondo.

Sa halip, pinayuhan ang mga ahensiya na magsagawa ng maagang ‘procurement activities short of award’ para sa mga proyekto na kasama sa NEP para mapabilis ang implementasyon sa oras na ang pondo ay maging available.

Idinagdag pa ng DBM na hindi nito mailalabas ang pondo maliban na lamang kung pormal na hihilingin sa kanila ng implementing agency.

“Budget releases are triggered by official requests from implementing agencies, not by unilateral action on the part of DBM,” anito.

Samantala, binigyang diin ng DBM ang papel nito upang matiyak na ang public funds ay inilabas ng legal at naaayon sa national budget.

“The DBM does not delay projects. It only ensures that public funds are released lawfully and in accordance with the budget approved by Congress and signed by the President,” ang winika ng DBM. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here