Home NATIONWIDE 3 bagong deputy speakers itinalaga ng Kamara

3 bagong deputy speakers itinalaga ng Kamara

132
0

MANILA, Philippines – Nagtalaga ng tatlong mga bagong Deputy Speakers sa Malaking Kapulungan ng Kongreso.

Ang mga ito ay sina Pangasinan Rep. Maria Rachel Arenas, Cebu Rep. Vincent Franco “Duke” Frasco at Bacolod Rep. Alfredo “Albee” Benitez.

Ang Deputy Speakers ay pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa Kamara  at kanina sa plenaryo ay si Senior Speaker at South Cotabato Rep. Ferdinand Hernandez ang nag-preside nang italaga ang tatlong bagong Deputy Speakers.

Sa ngayon ay nasa 13 na ang Deputy Speakers na kinabibilangan nina Iloilo 1st District Rep. Janette Garin, Lanao Del Sur Rep. Yasser Alonto Balintong, La Union Rep. Francisco Paolo Ortega V, Zambales Rep. Jefferson Khonghun, Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan, Antipolo Rep. Ronaldo Puno, Iloilo 4th District Rep. Ferjenel Biron, TUCP Partylist Rep. Raymond Democrito Mendoza, Misamis Oriental Rep. Yevgeny Vincente Emano, at Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez.

Sa mga debate at talakayan sa plenaryo sa ilalim ng liderato ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III ay nakapagpasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng may 17 sa 52 priority measures na tinalakay sa  Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bago ang sesyon ay nag-recess.

Kabilang sa mga ito ay ang House Bill (HB) 8418, na nagbibigay kapangyarihan sa pangulo na suspendihin ang koleksyon o paniningil ng excise tax sa oil products sa mga panahon ng krisis o emergency; ang HB 8477 o ang Presidential Merit Scholarship program act; HB 8468 na nagsusulong naman sa paggamit ng digital payments sa mga transaksyon sa gobyerno, HB 8389 o ang anti-political dynasty bill.

Ang sesyon ng Kongreso ay magbabalik sa May 4, 2026. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here