MANILA, Philippines – Nag-deploy ang gobyerno ng mga bus nitong Huwebes para magbigay ng libreng sakay sa mga commuter na apektado ng transport strike.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang mga bus mula sa DOTr, Office of the President, Philippine Coast Guard, at Philippine National Police ay bumibiyahe mula 7 a.m. hanggang 8 p.m. sa mga sumusunod na ruta:
–Quiapo hanggang Welcome Rotonda
–Welcome Rotonda hanggang Cubao
–Nagtahan hanggang Cubao
–Taft-UN hanggang PITX
–Lawton hanggang PITX
Ginawa ito bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang masigurong may masasakyan ang publiko. RNT/MND