Home HOME BANNER STORY Higit 300 Pinoy mula MidEast, ligtas nakauwi lulan ng chartered flight

Higit 300 Pinoy mula MidEast, ligtas nakauwi lulan ng chartered flight

227
0

MANILA, Philippines – Ligtas na nakauwi ng Pilipinas ang 317 Filipino mula Gitnang Silangan sa pamamagitan ng ika-tatlong chartered flight ng pamahalaan.

Kabilang sa mga Pilipinong ligtas na nakauwi ay 153 OFWs kasama ang kanilang 114 pamilya at 50 stranded Filipino passengers,

Ang kanilang pag-uwi ay naging matagumpay bunga ng pagtutulungan ng Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Embassy sa Abu Dhabi, Philippine Consulate General at Migrant Workers Office sa Dubai, at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ang ika-tatlong chartered flight ng pamahalaan ay nagmula sa Dubai, UAE kung saan maraming OFW ang kusang nagpasya at nagpalista na makauwi sa bansa sa kabila ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,099 OFW at kanilang mga pamilya ang nakauwi sa bansa sa ilalim ng whole-of-government repatriation effort simula noong Marso 5, 2026.

Lahat ng mga nakauwi ay nakatanggap ng tulong mula sa whole-of-government team, kabilang ang DMW at OWWA na nag hatid ng financial at welfare assistance. Nagbigay naman ng emdical asistance ang Department of Health (DOH) at psychosocial support ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nakaantabay din ang DMW para sa paghahatid ng kinakailangng reintegration support sa mga nakauwing OFW. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here