Home METRO P3.4M tobats nasabat sa buy-bust ops sa Cavite

P3.4M tobats nasabat sa buy-bust ops sa Cavite

177
0

CAVITE, Philippines – Isang Supervisor at isang Security guard ang nakuhanan ng nasa humigit kumulang P3.4 milyon halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Imus City Cavite.

Ayon sa nakalap na report, kinikala ang mga naarestong suspek na sina alyas Rex, 54, Store Supervisor na residente sa Brgy Sun Valley, Parañaque City at alyas Grexon, 38, Security Guard ng Brgy Bunji Compound, Alabang, Muntinlupa.

Base sa ulat,  bandang alas-1:00 ng hapon nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional office 4A Special Enforcement Team 1, 2 at PNP Cavite Maritime Police Station sa Imus City  na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawa at nakumpiska mula sa mga ito ang tinatayang nasa P3,4000,000.00 at buy bust money.

Nahaharap sa Kasong paglabag sa Sec. 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Sec 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article 11, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang mga suspek na nasa kostudiya na ngayon ng PDEA Region 4A. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here