Home OPINION NAPAKAKUPAD!

NAPAKAKUPAD!

169
0

NAPAKABAGAL ng tugon ng gobyerno sa kasalukuyang nangyayaring krisis sa bansa.

Sa katunayan, tumanggi pa nga ang gobyerno na aminin na tayo ay nasa gitna ng krisis sa langis.

Tulad ng nararanasan ngayon ng lahat, ang krisis na dulot ng digmaan sa Gitnang Silangan ay totoo at lalo pang lumalala.

Ang pagtanggi sa katotohanan ay hindi mababago ang kasalukuyang nagaganap. Ang buong mundo ay nasa krisis at ang mga epekto nito ay mararamdaman sa loob ng maraming taon na darating.

Sa bansa, ang epekto nito ay ang pagtaas ng presyo ng langis at halaga ng mga pangunahing bilihin. Lahat tayo ay apektado habang silang nasa gobyerno ay nagkukunwaring kalmado.

Nasa P119 hanggang P138 kada litro ang diesel, P97 hanggang P100 kada litro ang gasolina. Ang mga presyo ay tiyak na tataas pa.

Ngunit ang pinakamasama at ang mas malaking problema ay kapag natuyo ang mga imbakan ng langis sa Middle East na hindi malayong maganap. Kapag nangyari ito, lalong magdurusa ang ating ekonomiya o mas malala pa.

Hanggang ngayon, iginigiit ng Department of Energy na mayroon tayong sapat na suplay ng langis sa loob ng humigit-kumulang isa’t kalahating buwan. E paano kapag nasaid ito? Ano ang mangyayari?

Hindi ito seguridad sa enerhiya. Para bang sinasabi sa atin ng DOE na “magbilang kayo ng araw at bahala na kayo sa buhay n’yo!”

Walang gustong magsabi sa atin ng totoo kung ano na talaga ang totoong lagay ng bansa sa nangyayaring krisis na ito. Kung ang mayayaman at malalaking negosyante ay nangangamba sa mangyayari, tayo pa kaya na mga “isang kahig, isang tuka?”

Hindi na natuto ang ating pamahalaan sa mga nakalipas na krisis. Wala tayong pangmatagalang reporma tulad ng mga pagsisikap na mag-imbak ng langis.

Malinaw ang kawalang-interes ng kasalukuyang gobyerno para sa mabilis na pagkilos bago pa dumating ang mga krisis.

Ang kailangan natin ay isang lider na hinaharap ang krisis nang mabilis, may kalinawan ng pag-iisip at pagpapasyang aksyon bago pa humantong sa sitwasyon na hindi na kayang kontrolin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here