Home NATIONWIDE P611M mula sa bilyong pondo sa flood control, naibalik sa gobyerno

P611M mula sa bilyong pondo sa flood control, naibalik sa gobyerno

135
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit P611 milyon ang halaga ng ibinalik sa gobyerno kaugnay ng mga ghost flood control projects, kabilang ang P290 milyon mula kay dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo, ayon sa Department of Justice.

Batay sa ulat ng Bureau of the Treasury (BTr), ibinalik ni Bernardo ang P140 milyon noong Marso 10, habang ang natitirang P150 milyon ay ibinalik niya sa limang magkakaibang tranche mula Enero 13 hanggang Pebrero 13.

Si Bernardo ay state witness sa imbestigasyon ng ghost flood control projects.

Samantala, si Henry Alcantara, isang engineer mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ay nakapagbalik na ng P181.379 milyon mula sa kabuuang P300 milyon na dapat niyang isauli.

Si Gerard Opulencia, isa pang dating opisyal ng DPWH, ay nagbalik ng P120 milyon, habang ang contractor na si Sally Santos ay nag-turn over ng P20 milyon noong Disyembre.

Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez, ang naunang iniulat na P360 milyon ay tumaas na sa P611 milyon matapos ang valuation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here