Home ENTERTAINMENT Kiray, aminadong wrong timing ang pagbili ng car!

Kiray, aminadong wrong timing ang pagbili ng car!

135
0

Manila, Philippines – Na-realize din ni Kiray Celis na wrong timing ang pag-acquire nila ng asawang si Stephan Estopia ng bagong sasakyan.

Kung kelan nga naman tumaas ang presyo ng fuel.

Ani Kiray na kulang na lang sumimangot: “Medyo mali nga!”

Eighty liters daw bago mapuno ang gas tank ng kanilang brandnew car: “Eh, ‘yung 20 liters ngayon, P3-4,000 na. Pag finull tank namin, aabot ng P10k…samantalang P5k lang noon!”

Ikinalulungkot din daw ng Kapuso comedienne ang plight o kalagayahan ng mga public utility vehicle.

Sila kasi ‘yung umaasa lang sa pamamasada para mamuhay–puwera pa ang boundary na kailangang ibayad sa operator.

“I-less mo lahat ‘yung dapat bayaran, ‘yun lang ang matitira sa kanila. Saka pa lang nila mararamdaman ‘yung pinagtrabahuhan nila…doon ako nasa-sad,” sey ni Kiray.

Samantala, nilinaw ng komedyana na taliwas sa sinasabi ng ibang basher na walang ambag si Stephan at siya lang nang siya ang nagla-live online selling, wala itong katotohanan.

Pinalalabas kasi ng ilan na kampante si Stephan, at si Kiray ang nagbabanat ng buto.

Truth is, may sarili din daw negosyo ang asawa–from whom natutuhan ni Kiray ang ropes of the trade.

Si Kiray pa nga daw minsan ang nakahilata, prenteng-prenteng nanonood ng TV habang nakataas ang paa: “Tapos, ang asawa ko, ayun…nagma-mop!”

Alam na! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here